Tuesday, January 10, 2012

Cheap but Good Finds

Last sunday nag simba aketch mag isa kasi ang mudra ko iniwan ako dahil sarap daw ng tulog ko, grabeh kasi aga ng mass don sa may amin 6-7am tas alang kasunod probinsyang probinya kalowka... After homily ako dumating ng church then i waited if there will be next mass, nag hintay aketch pero bigo wala pero may mga dumadating pa din na tao di ko tuloy alam kung may mass pa or wala na kasi nag turn-off na po sila ng lights kaya i assume wala ng next mass...But before this happened may drama muna kaming mag-ina

Mommy: Baby gising na mag sisimba tayo
Andrew: Kaw na lang mommy antok pa ko eh
Mommy: Di ba sabi mo sasama ka mag simba
Andrew ayaw ko nga, antok pa ko...
Mommy: Sige bahala ka alis na ko. (pero andon pa rin ako sa kwarto nakaupo, sabay sabi ng anak ko)
Andrew: (tingin sakin sabay senyas) Sige na alis na, anong pang ginagawa mo dito alis na...

hmmmpp pinalayas ako e di gora na aketch para makahabol ng mass yon nga lang di na ko nakaabot...

Then after the mass ang usapan kasi naming mag ina dapat eh kakain sa Mcdo ng breakfast eh naka set na ang mind ko na ganon so after the mass I called my son at sabi nya na sasama daw siya... Abat nasa labas pa lang ako ng balur naririnig ko na ang bagetz na "si mommy ko na ba yan? sorry mommy, sorry po"

Then we went to mcdo na to eat breakfast at nakita ko na may tiangge uli don sa tapat ng Mcdo. Tiangge is located before you enter the CME gate. Tapos namin kumain niyaya ko sya na samahan akong tumingin tingin don buti pumayag akong samahan ng reklamador kong anak na ubod ng tamad mag lakad. And here are the things i bought:


100.00 pesos lang ito each  kaya dalawa ang binili ko at mga ateh kasya sa lola nyo, yun yon eh! (orig price 120 tinawaran ko lang)



85.00 pesos naman each yung dalawa at kasya na naman sakin kaya as usual dalawa ang binili ko hihihi (orig price 90 tinawaran ko lang uli)


This one naman 65.00 pesos lang naghinayang tuloy ako don sa dalawang nabili ko nung una kasi 85.00 pesos yon though mag kaiba naman pala ng tela kaya ganon... (ayaw mag patawad ni kuya kasi isa lang daw binili ko hehehe)

How about you, what cheap but good finds did you bought? at where? share nyo naman sakin please...

No comments: