Friday, April 13, 2012

Mudrabels 64th Birthday

Another delayed post hehehe peace.... Last March 16 was my mudrabels 64th birthday... yes 64 na ang mother dear ko...

As my mother requested, we celebrated her birthday in very simple way but very meaningful for all of us.. 

Here is the birthday celebrant...
my super duper over the best and one and only love my Nanay Sarah

Di na nag luto ang mudra ko di na daw nya kaya, ganon ata talaga pag thunders na eh madali na kasi mapagod ang nanay ko kaya i bought foods na lang po...

Baliwag lechon manok and liempo
Pansit ng taga Isabela (yan yung pangalan ng pansit)
Fried lumpia
Okoy (pulutin nila)







Red Ribbon cake
 As usual ang nag dictate po ng dedication ay ang kanyang sweet at ubot na kulit na apo...tuwang tuwa ang lola ng mabasa ang message ng cake...
yan ang tropa ng mudrabels ko kulang pa yan....
Tagayan blues ang ganap ng mga thunders, pagbigyan... yan lang kaligayahan nila at paminsan minsan lang naman....


me and the birthday girl
the birthday girl and her apo
We are just simple people kaya simple lang kami mag celebrate ng mga gantong occasion sabi nga ng nanay ko "ang importante buhay pa rin tayo at dapat yon ang malaking pasasalamat natin sa PANGINOON"

To my dearest mother dear Nanay Sarah,

Thank you very very much for everything. I know that words are not enough to say how much I appreciate you and I thank GOD for giving me a mother like you. Nanay for me ikaw ang pinaka THE BEST sa lahat. Alam ko at nakita ko kung gaano kahirap ang buhay natin at kung paano mo kami itinaguyod ng nag iisa (my father was died when i was 14 days old only) Maraming offer abroad para mas malaki sana ang income mo but you refuse to accept kasi di mo kami kayang iwan at ang lagi mo ngang sinasabi "ang importante magkakasama tayo para masubaybayan ko ang inyong paglaki." At winner ka don mother!!!

Thank you coz during my life ups and downs you are still there to support and guide me. Never mo kong iniwan. Thank you for taking care of my anak kahit sobrang kulit. Kung wala ka di ko alam kung pano kami ngayon. I always praying na sana pahabain pa ni Lord ang buhay mo and give you strength dahil I know you are not getting younger anymore at alam naman nating lahat na isa lang ang pupuntahan ng tao in the end. Kung papipiliin ako ng nanay ikaw at ikaw pa rin ang gusto kong maging Nanay.

Enough na nga at tumutulo na ang luha ko ditey dami ko pa sana gusto sabihin eh. Basta Nanay ILOVEYOU and thank you very very much!!! mwuah...


PS: Please LORD always keep my Nanay in good health and always guide her. Bigyan nyo pa po sya ng kalakasan sa pang araw araw na buhay. Thank you po Lord!!!!


Thursday, April 12, 2012

Graduation day: Kindergarden 2011-2012

This is a delay post.. oo na pasensya naman po... nag e-error kasi ang net hirap mag upload ng mga pix eh...

I just want to share with you guys one of the happiness and important event in my life... The graduation day of my baby Andrew!!! (big boy na sya...)

my baby Love...
symepre dapat may pix ang mommy at ang graduate
(peace sign!!!)
graduation march...
 The supportive lolas' are here din...
Andrew, Nanay Sarah (maternal grannie)
and Nanay Dhey (faternal grannie)

The performance....Nag welcome song ang anak ko sayang di ko nakuhaan ng picture nag video kase akez eh sobrang tuwa at proud kasi ako dahil marunong na ang Andrew mag perform on stage...May mga kinanta pa sila eh pero ang pinakahihintay kong ganap eh ang pag sayaw ng anak ko ng walang kamatayang Pearly shell Hawaiian dance, halos lahat ata ng dumaaan sa pag kabata eh sumayaw nitey eh..sige tell me sino di nakapag sayaw ng ganito nung bata pa?!
Hawaiian Custome: Php 150.00 only

 karamihan sa pix ni andrew naka japan japan...hahaha
 And the much awaited awarding...Ang award na nakuha ni Andrew ay  MOST FRIENDLY and jaraaannn TOP 2 na siya ngayon....(yahoo..) Di ko expected na magkaka-honor pa sya (medyo wala akong tiwala sa anak ko noh wala akong kwenta hahaha)

 
see?! tuwang tuwa ang bagetz dahil dalawa ang medal nya...
 This pic naman was super duper touching moment mga ateh, ang background music pa ditey eh ung kanta ni Carol Banawa na Iingatan ka kalerqui talaga...sobrang tuwa talaga ako grabeh can't explain so much happiness...
the proud momma and the love of my life...
the very happy boy!!!
 Hay, sarap ng feeling ng di mo eni-expect tas maganda ang mangyayari...

To my dearest baby love,

I'm soooo happy and proud of you. Nak, i do not expect anything in return from you. Basta baby ang gusto lang ni Mommy mag aral ka ng mabuti at laging maging good boy. Kahit walang honor mahal ko ok lang sa mommy importante may natututunan ka para sulit ang bayad natin. :) (sa ngayon yan muna anak kasi bata ka pa iba na magiging expectations ni Mommy pag malaki ka na ganon talaga!) Pagaling ka na ngayon baby ko kasi may sakit ka nalulungkot ang mommy... Keep up the good work baby love... ILOVEYOU! mwuah....