Wednesday, February 15, 2012

Manlote

Just want to share ang conversation namin ng aking junakis na ubod ng bright talaga... This was happened last saturday habang pinapaliguan ko ang baby love ko. Can't remember kung pano napunta or pano nag start yung usapan namin basta ang naaalala ko na lang eh Andrew's asking me about manlote.

Mommy: Anong manlote??!!
Andrew: manlote mommy...
Mommy: Ano nga yon?!
Andrew: yung andito lang...
Mommy: Anong andito lang?!
Andrew: yung MAN-LO-TE (dahan dahan sya pa sinasabi para maintindihan ko)
Mommy: ano nga yung manlote?! (di ko mapigilan itinong sa mudra ko) Nay ano yung manlote?!
Nanay: Ewan ko dyan sa anak mo...
(balik ako kay andrew)
Mommy: Ano ba anak yung manlote?
Andrew: Yung andito lang...
Mommy: Tapos...
Andrew: Yung bayad mommy..
Mommy: Ahh, alam ko na yung lote natin dito?!(i'm thinking baka sinisingil kami ng association dues for the lot)
Andrew: Hindi, yung hero...
Mommy: Huh?! anong hero? wala akong maisip na hero na manlote... (sige pa rin ako ng isip ng name ng hero na manlote or related sa name na manlote)
Andrew: yung pag madilim...
Mommy: (still clueless!!!)
Andrew: yung parang si daimos din...
Mommy: (napaisip ako at biglang may naalala at natawa) kanta ba yan anak?
Andrew: opo!!!
Mommy: Alam ko na MANG JOSE!!! (then sinabi ko yung lyrics)
Andrew: Tingnan mo alam mo pala eh tanong tanong ka pa... di mo kilala yon?!

Susme, nalowka ako kaiisip kung ano yung MANLOTE eh yung kanta lang pala ng Parokya ni Edgar yon na MANG JOSE...na kinakanta namin sa videoke. Bigla nya daw kasi naalala and his asking me kung sino daw ba talaga si MANLOTE (Mang Jose). So everytime na kinakanta namin yung Mang Jose we change the lyrics to MANLOTE at tawa ng tawa ang Andrew dahil alam nya na may mali na words...

Belated Happy Valentine's guys... kamustasa naman ang  inyong date?!#wink

Thanks for passing by....

2 comments:

PlanetMarsy said...

hahaha. ang kulit!

napakanta ako tuloy

"manlote.. manlote.."

The Voluptuous Mitch said...

@ Mars, tama!!! si Liapot magkakaron din ng ganyang moment for sure...hahaha Thanks