Friday, July 26, 2013

Headache



This past few days inaatake ang sakit ng ulo ko siguro dahil sa mata ko tigas kasi ulo ko di ko lagi sinusuot yung salamin ko so napapadalas tuloy ang absent ko at natataon na lunes sabi nga ng nanay ko "Monday sickness"..
source
Last week (gabi ito mga ateng)...

Andrew: Mommy ayoko po pumasok bukas.
Mommy: Bakit?
Andrew: Wala lang ayoko lang.
Mommy: May sakit lang pwede umabsent noh!
Andrew: (pause)
Andrew: Ay maysakit pala ako, masakit ulo ko! di ako papasok bukas.
Mommy: Ayos ah biglang nagkasakit!

Kagabi naman sabi ng anak ko ayaw nya pumasok today.

Andrew: Mommy di po ako papasok bukas.
Mommy: Bakit?
Andrew: Masakit po kasi ulo ko eh!
Mommy: Ah ok, cge tara matulog na tayo!
Andrew: Mamaya na mommy pag tapos ng Juan Dela Cruz at bukas pa sasakit ulo ko!

Ayos anak may schedule sakit ng ulo?!